Mateo 5:32
Magandang Balita Biblia
32 Ngunit(A) sinasabi ko sa inyo, kapag nakipaghiwalay ang isang lalaki sa kanyang asawa, maliban kung ito ay nakikiapid,[a] itinutulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya, at sinumang makipag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”
Read full chapterFootnotes
- Mateo 5:32 nakikiapid: o kaya'y hindi tapat sa kanilang sumpaan bilang mag-asawa .
Mateo 19:9
Magandang Balita Biblia
9 Ito(A) ang sinasabi ko sa inyo, sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niya'y nakikiapid, [itinutulak niya ang kanyang asawa na mangalunya][a] at siya'y mag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya [at ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya].”[b]
Read full chapterFootnotes
- Mateo 19:9 itinutulak niya...na mangalunya: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
- Mateo 19:9 at ang mag-asawa...ng pangangalunya: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
Marcos 10:11-12
Magandang Balita Biblia
11 Sinabi(A) niya sa kanila, “Kapag hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at mag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya sa kanyang asawa. 12 Gayon din naman, ang babaing humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa ng iba ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”
Read full chapter
Lucas 16:18
Magandang Balita Biblia
18 “Kapag(A) hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, at mag-asawa sa iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya, at ang mag-aasawa naman sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.