Font Size
Mateo 10:19-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mateo 10:19-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
19 Kapag iniharap na kayo sa hukuman, huwag kayong mabahala kung ano ang inyong sasabihin, o kung paano kayo magsasalita sapagkat ipagkakaloob sa inyo sa oras na iyon ang inyong sasabihin. 20 Hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.
Read full chapter
Marcos 13:11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Marcos 13:11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Kapag kayo'y dinakip nila at nilitis, huwag kayong mabahala kung ano ang sasabihin ninyo. Sa oras na iyon, sabihin ninyo ang mga salitang ibibigay sa inyo, sapagkat hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo.
Read full chapter
Lucas 21:14-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Lucas 21:14-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14 Ipagpasya(A) ninyo na huwag kayong mabahala kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili, 15 sapagkat bibigyan ko kayo ng pananalita at karunungang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway.
Read full chapter