Marcos 14:10-11
Ang Biblia (1978)
10 At si Judas Iscariote, na (A)isa sa labingdalawa, ay naparoon sa mga pangulong saserdote, upang maipagkanulo niya siya sa kanila.
11 At sila, pagkarinig nila nito, ay nangatuwa, at nagsipangakong siya'y bibigyan ng salapi. At pinagsikapan niya kung paanong siya ay kaniyang maipagkakanulo sa kapanahunan.
Read full chapter
Lucas 22:3-6
Ang Biblia (1978)
3 At (A)pumasok (B)si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa labingdalawa.
4 At siya'y umalis, at nakipagusap sa mga pangulong saserdote at mga (C)punong kawal kung paanong maibibigay niya siya sa kanila.
5 At sila'y nangagalak, at pinagkasunduang bigyan siya ng salapi.
6 At pumayag siya, at humanap ng ukol na panahon upang kaniyang maibigay siya sa kanila, (D)nang hindi kaharap ang karamihan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978