Font Size
Lucas 3:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Lucas 3:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Sa(A) gayon, natupad ang nakasulat sa aklat ni Propeta Isaias,
“Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang:
‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon.
Gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!
5 Matatambakan ang bawat libis,
at mapapatag ang bawat burol at bundok.
Magiging tuwid ang daang liku-liko,
at patag ang daang baku-bako.
6 At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!’”