Josue 15:8
Ang Biblia (1978)
8 At ang hangganan ay pasampa sa (A)libis ng anak ni Hinnom hanggang sa dako ng (B)Jebuseo na dakong timugan (na siya ring Jerusalem): at ang hangganan ay pasampa sa taluktok ng bundok na dumudoon sa harap ng (C)libis ng Hinnom na dakong kalunuran, na sa kahulihulihang bahagi ng libis ng Rephaim na dakong hilagaan:
Read full chapter
Mga Hukom 1:8
Ang Biblia (1978)
8 (A)At ang mga anak ni Juda ay lumaban sa Jerusalem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at sinilaban ng apoy ang bayan.
Read full chapter
Mga Hukom 1:21
Ang Biblia (1978)
21 (A)At hindi pinalayas ng mga anak ni Benjamin ang mga (B)Jebuseo na tumatahan sa Jerusalem: kundi ang mga Jebuseo ay nagsitahang kasama ng mga anak ni Benjamin sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.
Read full chapter
Mga Hukom 19:10-12
Ang Biblia (1978)
10 Nguni't hindi na inibig ng lalake na magpahinga roon nang gabing yaon, kundi siya'y tumindig at yumaon at tinapat ang Jebus[a] (na siyang Jerusalem): at may dala siyang dalawang magkatuwang na asno na gayak; ang kaniyang babae ay kasama rin niya.
11 Nang sila'y nasa tabi na ng Jebus, ang araw ay nananaw; at sinabi ng bataan sa kaniyang panginoon, Isinasamo ko sa iyo na halina, at tayo'y lumiko sa bayang ito ng mga Jebuseo, at tumigil dito.
12 At sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya, Hindi tayo liliko sa bayan ng iba, na hindi sa mga anak ni Israel; kundi dadaan tayo sa (A)Gabaa.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hukom 19:10 Jos. 15:63.
2 Samuel 5:6
Ang Biblia (1978)
Ang Sion ay kinuha.
6 At ang hari at ang kaniyang mga lalake ay nagsiparoon sa (A)Jerusalem laban sa mga (B)Jebuseo na nagsisitahan sa lupain, na nangagsalita kay David, na nangagsasabi, Maliban na iyong alisin ang bulag at ang pilay, hindi ka papasok dito: na iniisip, na si David ay hindi makapapasok doon.
Read full chapter
1 Cronica 11:4
Ang Biblia (1978)
Sinakop ni David ang Sion.
4 At si David at ang buong Israel ay naparoon sa Jerusalem (na siyang Jebus); at ang mga Jebuseo na mga tagaroon sa lupain, ay nangandoon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978