Isaias 63:16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
16 Kung walang nagawa sa amin si Jacob at Abraham,
ikaw lamang, Yahweh, ang aming pag-asa at Amang aasahan;
tanging ikaw lamang ang nagliligtas ng aming buhay.
Jeremias 3:4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 “At ngayo'y sinasabi mong ako ang iyong ama na umiibig sa iyo mula pa sa pagkabata,
Read full chapter
Karunungan ni Solomon 14:3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Ngunit ang iyong kalinga, O ama, ang nagbibigay direksyon sa barkong iyon,
at ikaw ang nagtatakda ng kanyang dadaanan.
Ikaw rin ang pumapatnubay sa pagtahak niya sa mga alon.
Ecclesiastico 23:1
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Panginoon, aking Ama, kayo po ang may hawak ng aking buhay;
huwag ninyo akong pabayaan sa kanilang binabalak,
at nang dahil dito'y mapahamak ako.
Ecclesiastico 23:4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Panginoon, aking Ama, Diyos ng aking buhay,
huwag po ninyong ipahintulot na ako'y maging palalo sa pagtingin.
Mateo 6:9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Ganito kayo mananalangin,
‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang iyong pangalan.