Genesis 9:4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Huwag(A) lamang ninyong kakainin ang karneng hindi inalisan ng dugo sapagkat nasa dugo ang buhay.
Read full chapter
Levitico 7:26-27
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
26 At(A) kahit saan kayo naroon, huwag kayong kakain ng dugo ng anumang hayop o ibon. 27 Ang sinumang kumain nito ay ititiwalag sa sambayanan ng Diyos.”
Read full chapter
Levitico 17:10-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
10 “Ang(A) sinumang kumain ng dugo ay kapopootan ko at ititiwalag ko sa sambayanan, maging Israelita o dayuhan man. 11 Sapagkat(B) ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihandog iyon sa altar bilang pantubos sa inyong buhay. 12 Kaya nga, hindi ito dapat kainin ninuman, maging siya'y Israelita o dayuhan man.
13 “At kapag ang sinuman sa inyo, maging Israelita o dayuhan ay humuli ng hayop o ibong makakain, dapat niyang itapon ang dugo niyon at tabunan ng lupa. 14 Sapagkat ang buhay ng bawat hayop ay nasa dugo, kaya huwag kayong kakain ng dugo. Ang sinumang lumabag dito'y ititiwalag sa sambayanan.
Read full chapter
Levitico 19:26
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
26 “Huwag(A) kayong kakain ng anumang karneng may dugo. Huwag kayong manghuhula o mangkukulam.
Read full chapter
Deuteronomio 12:16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
16 Ngunit(A) huwag ninyong kakainin ang dugo; kailangang patuluin ito sa lupa.
Read full chapter
Deuteronomio 12:23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Ngunit(A) huwag ninyong kakainin ang dugo sapagkat nasa dugo ang buhay; ang sangkap ng buhay ay hindi dapat kainin.
Read full chapter