Ezekiel 27:3
Ang Biblia (1978)
3 At sabihin mo sa Tiro, Oh ikaw na tumatahan sa pasukan sa dagat, na ikaw ang mangangalakal sa mga bansa sa maraming pulo, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw, Oh Tiro, nagsabi, Ako'y sakdal sa kagandahan.
Read full chapter
Ezekiel 27:6-7
Ang Biblia (1978)
6 Ginawa nilang iyong mga saguwan ang mga encina sa Basan; ang kanilang ginawang mga bangko mong garing na nalalapat sa kahoy na boj ay mula sa (A)mga pulo ng Chittim.
7 Manipis na kayong lino na yaring may burda na mula sa Egipto ang iyong layag, upang maging sa iyo'y isang (B)watawat; kulay asul at morado na mula sa mga pulo ng (C)Elisah ang iyong kulandong.
Read full chapter
Ezekiel 27:15
Ang Biblia (1978)
15 Ang mga tao sa (A)Dedan ay iyong mangangalakal: maraming pulo ay nangagdadala ng kalakal sa iyong kamay: kanilang dinadala sa iyo na pinakapalit ay mga sungay na garing at ebano.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978