Font Size
Exodo 30:1-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 30:1-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Altar na Sunugan ng Insenso(A)
30 “Gumawa ka ng altar na gawa sa akasya na sunugan ng insenso. 2 Gawin mo itong parisukat: 0.5 metro ang haba, gayundin ang luwang at 0.9 na metro ang taas. Ang apat na sulok nito ay lalagyan mo ng sungay na kaisang piraso ng altar. 3 Balutin mo rin ng purong ginto ang ibabaw, mga gilid, at ang mga sungay nito. 4 Kabitan ito ng argolyang ginto sa magkabilang gilid, at sa ibaba para pagsuutan ng pampasan 5 na yari sa punong akasya at babalutin din ng ginto.
Read full chapter