Exodo 23:8
Magandang Balita Biblia
8 Huwag kayong tatanggap ng suhol sapagkat ang suhol ay bumubulag sa tao sa katuwiran at ikinaaapi naman ng mga walang sala.
Read full chapter
Deuteronomio 16:19
Magandang Balita Biblia
19 Huwag(A) ninyong pipilipitin ang katarungan at huwag kayong magtatangi ng tao ni tatanggap ng suhol sapagkat ang suhol ay bumubulag sa matatalino at nagpapahamak sa mga taong matuwid.
Read full chapter
Exodo 22:25
Magandang Balita Biblia
25 “Kapag(A) nangutang sa inyo ang mga kababayan ninyong mahihirap, huwag kayong hihingi ng tubo, tulad ng ginagawa ng mga nagpapatubo.
Read full chapter
Levitico 25:36-37
Magandang Balita Biblia
36 Huwag ninyo siyang patutubuan kung siya'y mangutang sa inyo. Matakot kayo sa Diyos, at hayaan ninyo itong mabuhay na kasama ninyo. 37 Huwag(A) ninyong patutubuan ang pera o pagkaing inutang niya sa inyo.
Read full chapter
Deuteronomio 23:19
Magandang Balita Biblia
19 “Huwag(A) kayong magpapautang nang may tubo sa inyong kapwa Israelita, maging pera, pagkain o anumang maaaring patubuan.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.