Exodo 19:5-6
Ang Biblia, 2001
5 Kaya't(A) (B) ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig at tutuparin ang aking tipan, kayo ay magiging aking sariling pag-aari na higit sa lahat ng bayan; sapagkat ang buong daigdig ay akin.
6 Sa(C) akin kayo ay magiging isang kaharian ng mga pari at isang banal na bansa. Ito ang mga salitang sasabihin mo sa mga anak ni Israel.”
Read full chapter
Isaias 43:20
Ang Biblia, 2001
20 Pararangalan ako ng mababangis na hayop
ng mga asong-gubat at ng mga avestruz;
sapagkat ako'y nagbibigay ng tubig sa ilang,
at ng mga ilog sa disyerto,
upang bigyan ng inumin ang pinili kong bayan,
Exodo 19:5
Ang Biblia, 2001
5 Kaya't(A) (B) ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig at tutuparin ang aking tipan, kayo ay magiging aking sariling pag-aari na higit sa lahat ng bayan; sapagkat ang buong daigdig ay akin.
Read full chapter
Deuteronomio 4:20
Ang Biblia, 2001
20 Ngunit(A) kinuha kayo ng Panginoon, at hinango kayo sa hurnong bakal, mula sa Ehipto, upang maging isang bayan na kanyang pag-aari, isang pamana, gaya sa araw na ito.
Read full chapter
Deuteronomio 7:6
Ang Biblia, 2001
6 “Sapagkat(A) ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Diyos; pinili ka ng Panginoon mong Diyos upang maging kanyang sariling pag-aari, mula sa lahat ng mga bayan na nasa balat ng lupa.
Read full chapter
Deuteronomio 14:2
Ang Biblia, 2001
2 Sapagkat(A) ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Diyos, at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan na kanyang sariling pag-aari, mula sa lahat ng mga bayan na nasa balat ng lupa.
Read full chapter
Tito 2:14
Ang Biblia, 2001
14 Siya(A) ang nagbigay ng kanyang sarili alang-alang sa atin, upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at pakalinisin para sa kanyang sarili ang sambayanang pag-aari niya na masigasig sa mabubuting gawa.
Read full chapter
Isaias 43:21
Ang Biblia, 2001
21 ang bayan na aking inanyuan para sa aking sarili,
upang kanilang ipahayag ang aking kapurihan.
Isaias 9:2
Ang Biblia, 2001
2 Ang(A) bayan na lumakad sa kadiliman
ay nakakita ng dakilang liwanag;
silang naninirahan sa lupain ng matinding kadiliman,
sa kanila sumikat ang liwanag.