Deuteronomio 4:7
Ang Biblia (1978)
7 Sapagka't (A)anong dakilang bansa nga ang (B)may dios na napakalapit sa kanila, na gaya ng Panginoon nating Dios kailan man tayo'y tumawag sa kaniya?
Read full chapter
Deuteronomio 4:32
Ang Biblia (1978)
32 Sapagka't (A)ipagtanong mo nga sa mga araw na nagdaan, na nangauna sa iyo, mula nang araw na lalangin ng Dios ang tao sa ibabaw ng lupa, at (B)mula sa isang hangganan ng langit hanggang sa kabila, kung nagkaroon ng gaya ng dakilang bagay na ito, o may narinig na gaya nito?
Read full chapter
Deuteronomio 4:34
Ang Biblia (1978)
34 O may Dios kaya na nagsikap na yumaon at sumakop ng isang bansa sa gitna ng ibang bansa, (A)sa pamamagitan ng mga tukso, (B)ng mga tanda, at ng mga kababalaghan, at ng pagbabaka, at (C)ng makapangyarihang kamay, at (D)ng unat na bisig, at (E)ng mga malaking kakilabutan ayon sa lahat na ginawa ng Panginoon mong Dios sa iyo sa Egipto, sa harap ng iyong mga mata?
Read full chapter
Deuteronomio 33:29
Ang Biblia (1978)
29 Maginhawa ka, Oh Israel:
Sino ang gaya mo, bayang iniligtas ng Panginoon,
(A)Ng kalasag na iyong tulong,
At siyang tabak ng iyong karangalan!
At ang iyong mga kaaway ay (B)susuko sa iyo:
At ikaw ay tutungtong sa kanilang mga matataas na dako.
Mga Awit 147:20
Ang Biblia (1978)
20 (A)Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:
At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978