1 Samuel 12:3
Ang Biblia (1978)
3 Narito ako: sumaksi kayo laban sa akin (A)sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang pinahiran ng langis: (B)kung kaninong baka ang kinuha ko? kung kaninong asno ang kinuha ko? o kung sino ang aking dinaya? kung sino ang aking pinighati? o kung kaninong kamay ako kumuha ng suhol upang bulagin ang (C)aking mga mata niyaon? at aking isasauli sa inyo.
Read full chapter
1 Corinto 9:12
Ang Biblia (1978)
12 Kung ang iba ay mayroon sa inyong matuwid, hindi baga lalo pa kami? (A)Gayon ma'y hindi namin ginamit ang matuwid na ito; kundi aming tinitiis ang lahat ng mga bagay, (B)upang huwag kaming makahadlang sa evangelio ni Cristo.
Read full chapter
2 Corinto 7:2
Ang Biblia (1978)
2 Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso: (A)hindi namin inapi ang sinoman, hindi namin ipinasama ang sinoman, (B)hindi namin dinaya ang sinoman.
Read full chapter
2 Corinto 11:9
Ang Biblia (1978)
9 At pagka ako'y kaharap ninyo at ako'y nagkukulang ng ikabubuhay, ako'y hindi naging pasan (A)sa kanino man; sapagka't mga kapatid nang sila'y manggaling sa Macedonia (B)ay tumakip ng aming pangangailangan; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at magiingat nga ako.
Read full chapter
2 Corinto 12:13
Ang Biblia (1978)
13 (A)Sapagka't ano nga ang inyong ikinahuli sa ibang mga iglesia, kundi ang (B)ako'y hindi naging pasanin ninyo? ipatawad ninyo sa akin ang kamaliang (C)ito.
Read full chapter
2 Corinto 12:17
Ang Biblia (1978)
17 (A)Kayo baga'y aking dinaya (B)sa pamamagitan ng sinoman sa mga sinugo sa inyo?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978